Latest News

Hinihimok ni Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynila na iwasang magpaputok sa Baong Taon. (JERRY S. TAN)

IWASANG MAGPAPUTOK — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

“WELCOME the New Year in one piece.”

Ito ang mahigpit na panawagan ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng taga-Maynila, kasabay ng pahayagi na ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay mas maganda kung sasalubungin sa ligtas na pamamaraan kesa sa pagsisindi ng mga paputok, lalo na iyong mga maaring magdulot ng pagkaputol ng mga parte ng katawan at panganib sa buhay.

Sinabi ni Lacuna na batay sa ulat ng Department of Health (DOH) ay mayroong pagtaas sa kaso ng fireworks-related injuries kahit malayo pa ang selebrasyon ng Bagong Taon at kabilang sa mga kasong naitala ay ang mga naputulan ng kamay.


Sa kasalukuyan, sinabi ng lady mayor na ang fireworks-related injuries ay umakyat na sa 50 kung saan Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang.

Kaugnay nito, hinikayat ni Lacuna ang mga barangay na magtalaga ng common fireworks display area kung saan ang mga residente ay sama-samang manonood sa Isang ‘safe and controlled environment.’

Hinimok din ng alkalde ang mga residente na huwag nang gumamit ng paputok upang mapangalagaan ang kanilang sarili at iba pa, mula sa panganib na dala ng paputok na maaaring magresulta sa pagkaputol ng daliri, kamay at paa.

Binigyang-din ng lady mayor na ang sandaling panahon ng ng kasiyahan ay walang halaga kung madidisgrasya naman ang mahal sa buhay o iba, kung saan maaring maapektuhan ang kanilang buong buhay.


“Public safety remains our foremost concern. I am appealing to all barangay authorities to convince their constituents to resort to safer ways of welcoming the New Year like using pots and pans or the traditional party horns,”ani Lacuna.

Tags:

You May Also Like

Most Read