Latest News

Ysabelle Palabrica at Andres Muhlach

YSA BAGAY MAGING KA-LOVETEAM NI ANDRES MUHLACH

By: Beth Gelena

UNTI-UNTI nang umaarangkada ang singing career ni Ysabelle Palabrica.

Sa mga hindi nakakaalam, siya ang latest na nag-revive ng pinasikat na kanta nina Tenten Muñoz at Tootsie Guevarra na “Kaba.”

Last week before her 16th birthday, pumunta si Ysa mag-isa sa Manila para ipromote ang kanyang song.

Umikot sa mga FM and streaming line ang young singer.

Guest din siya sa “ASAP Natin ‘To” na airing ngayong Sunday plus may zoom live interview din siya sa ASAP online.

Aba, umaalagwa na rin sa Hong Kong ang boses ni Ysa.

Lagi siyang pinapatugtog sa award winning radio program doon na PINOY LIFE sa RTHK Radio 3 AM567.

Malapit na ring ilabas ang kanyang “Mr. Kupido,” na orihinal na kanta ni Rachelle Alejandro.

Hindi lang singing ang gustong tahakin ni Ysa.

If given her a chance, balak din niyang subukan ang showbiz at willing siyang mag-acting workshop.

Katunayan, feeling nga namin ay puwede siyang i-loveteam kay Andres Muhlach dahil may common denominator ang dalawa.

Pareho silang mahiyain at tahimik.

Hindi naman nalalayo si Ysa sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Maganda at may breeding si young girl at pwedeng-pwede rin niyang pasukin ang pageantry (tulad ng ina ni Andres na si Charlene) dahil may angkin siyang taas at talinong taglay plus the fact ang kanyang beauty.

Maganda rin ang family background ni Ysa na isang Ilongga.

Sana may mag-push through ng Ysa-Andre fandom para may ka-loveteam na si Andres.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read