Latest News

DEBBIE LOPEZ

DEEJAY-SINGER DEBBIE LOPEZ WANTS TO CONQUER PH MUSIC

By: Beth Gelena

BAGO mag-pandemic nagsimulang kumanta si Debbie Lopez thru streaming

Sa pakikipagtsikahan namin sa kanya kamakailan, napagkamalan naming nakasama niya ang mga singer noon ng MYP na sina Juris at iba pang mga kilalang singer tulad nina Jeffrey Hidalgo at mga band group na kilala sa music industry.

Pero hindi lang sa pagkanta nakatuon ang career ni Debbie, kungdi isa rin siyang deejay sa online app.


Apat na streaming app ang kanyang pinapasukan — at isa sa Baguio City kung saan nakabase kung minsan.

Pero mas nagpu-full time siyang mag-stay ngayon sa Cebu dahil doon talaga nakatira ang kanyang pamilya.

May mga na-achieve na rin si Debbie bilang singer at pagde-deejay.

Kilala siya bilang DJ Debbz Lopez, Diwata ng KISS2DAY FM, Singer, Cosplayer, radio DJ, host and digital creator.


Naging Asia’s World Class Filipino Award for Multi-talented Radio DJ singer and online host of the year din si Debbie na Iginawad sa kanya last December 18, 2022 sa Great Eastern Hotel, sa Quezon City.

Naging TVC World Golden Star awardee rin si Debbie for an “Outstanding Contribution to the Entertainment Industry and Sincere Public Service” noong Dec. 27, 2022 at Camelot Hotel, Quezon City.

Last February 25, 2023 ay binigyan siya ng award bilang Asia’s Triumphant Awards dahil sa husay niya bilang radio DJ singer at online host na ginanap sa Tanghalang Pasigueno sa Pasig City.

Nasama rin siya sa Philippine Fashion Trends Awards for Asian World Class DJ and Cosplayer of the Year 2023, A Night To Remember last March 5 na ginanap sa Skydome, SM North EDSA.


Kuwento ni Debbie, nakakasama raw niya si Alodia Gosiengfiao sa pagiging cosplayer.

Last July 29, 2023 ay nakamit niya ang Most Influential Filipino Awards and Most Outstanding and Multi Talented Radio DJ, Singer and Online host na ginanap sa Tanghalang Pasigueno, #GalingNgPilipinoipagmalaki.

Sa ngayon, nakatutok na si Debbie sa kanyang singing career.

Katunayan, may single na siyang nilabas kamakailan titled “Ang Higugmaon Ka (Ang Mahalin Ka).”

Isa itong original Visayan song na sinulat ni Kuya Bryan at mapapakinggan ang kanta sa YouTube.

Ipu-full blast ni Debbie ang kanyang single sa kanyang social media platforms at maging sa kanyang pagdi-DJ sa livestreaming.

Ayon kay Debbie, si Mon del Rosario ang nagturo sa kanya ng pagvo-vocal at humikayat na pasukin ang music industry

Natutuwa ang dalaga dahil pumipik-up ang kanyang unang Visayan song sa Cebu, ang “Higugmaon Ka.”

Idol niya si Taylor Swift at very proud na kaya niyang pagsabayin ang sing-and-dance. Pero mas gusto daw niya ang acoustic and RnB.

Kaya naman, let’s give a chance Debbie Lopez na maging parte ng musikang Pinoy.

Tags:

You May Also Like

Most Read