Nagtakda ang Archdiocese of Manila ng ‘holy hour’ para sa kapayapaan sa Israel.
Ito’y kasunod na rin nang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng mga Israelis at Palestine militant group na Hamas.
Sa isang circular, umapela rin ang arkidiyosesis ng pananalangin para sa lahat ng mga nagdurusa dahil sa giyera.
“In solidarity with our brothers and sisters in the Holy Land, we request that our parishes and communities gather our people for prayer like the Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour and the praying of the rosary on October 17, 2023 or any day your community decides,” bahagi pa ng circular.
Ang naturang aksiyon ay alinsunod anila sa panawagan ng Latin Patriarch of Jerusalem Pierbattista Cardinal Pizzaballa para sa panalangin at pagpa-fasting para sa kapayapaan sa Holy Land.
Ayon pa sa arkidiyosesis, magpapadala sila ng isang special prayer na inihanda ng Archdiocesan Liturgical Commission.
Matatandaang kasalukuyang nagkakaroon ng giyera sa Israel, na nagresulta na sa pagkamatay ng libu-libong indibidwal, kabilang na ang tatlong Pinoy.