Latest News

Mga kaso ng measles-rubella at pertussis, pababa na

By: JANTZEN ALVIN

Sinabi ng Department of Health (DOH) na pababa na ang mga naitatalang kaso ng measles-rubella (MR) at pertussis.


Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa,patuloy na pina-iigting ang vaccination campaign sa pagitan ng local governments, primary care doctors at allied health workers.

Batay sa datos mula Enero hanggang nitong Mayo 11, 20024, nagkaroon ng 2,552 MR cases at nagkaroon lamang ng 5 kaso ng nasawi at ang mga edad na nasa 10 pababa ang nasa mas mapanganib na grupo kung saan 2,114 o 83% ng kabuuang bilang..

Sa kabila na ang pinakamaraming. kaso ng MR ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (Bangsamoro) na umabot sa 1,196 , nagresulta ito ng pagbaba ng 65% matapos ang isinagawang outbreak response immunization (ORI) sa pamamagitan ng kanilang Ministry of Health (MOH).


Samantala, nagkaroon naman ng pagbaba ng kaso ng pertussis sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Hindi umano natuloy ang pagtala ng kaso ng pertussis sa loob ng isinagawang anim na.linggong monitoring period.


Napag-alaman sa datos hanggang nitong Mayo 11 na may naitalang 2,521 kaso ng pertussis .

“We thank President Marcos for his strong support for vaccination efforts against both Measles and Pertussis. In fact, the President himself knows and reminds us at the DOH that we cannot rest even with this accomplishment that is a product of calm and collected, quick and decisive action by local governments in coordination with the DOH. The greater task of routine immunization beckons,”ayon kay Herbosa.


Ayon kay Herbosa, hinihintay pa nila ang milyon doses ng pentavalent vaccines na darating sa ikatlong yugto ng taon.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read