Latest News

22-anyos lalaki, tumalon sa footbridge, patay

By: Baby Cuevas

Nagkalasog-lasog ang katawan at namatay agad dahil sa matinding pinsala tinamo ng katawan nito. ng isang 22 -anyos na lalaki matapos na tumalon sa isang footbridge, kahapon ng madaling araw sa kanto ng P. Campa Street at España Boulevard,Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang namatay noon din na si Keilo Acuin, tubong Calbayog City at nanunuluyan sa Unit 718 Ventura Residences M. V Delos Santos St Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Arby Macarasig ng Manila Police District -homicide section, ayon kay Gilbert Castro, binabagtas niya ang lugar ala- 3:15 ng madaling araw nang makarinig ng malakas na kalabog sa kanyang likuran.

Nang lingunin ang pinanggalingan ng kalabog, nakita niya ang biktima na nakadapa at duguan.

Sa record ng CCTV, nakita umano ang biktima na naglalakad nang pasuray- suray habang paakyat sa footbridge at nang makarating sa taas ay bigla itong umakyat sa pasimano ng tulay at saka biglang tumalon.

Tags:

You May Also Like

Most Read