P4.7 milyong shabu, kumpiskado sa babaeng Muslim

By: Baby Cuevas

May P4.7 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng.mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 11 mula sa sa isang babaeng Muslim sa isang buy -bust operation na isinagawa kamakalawa ng hapon sa may panululkan ng Soler Street at Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasa kustodiya na ng MPD-PS11 ang suspek na si Farida Macmod y Buisan alyas Farida, 30, tubong North Cotabato at residente ng C.M. Recto Avenue, Maynila.


Ayon kay PMAJ Bernardino Venturina ng MPD-PS11, nasa may 700 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek sa isinagawang operasyon ala 1:30ng hapon.

Nakatanggap umano sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ni Farida kaya kaagad na nagsagawa ng surveillance at nang makumpirma ay nagkasa ng buy-bust operation.

Isang poseur-buyer ang ipinain sa suspek at nang magkaabutan ay saka inaresto ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like

Most Read