Latest News

700 KATAO, PWEDE NA SA QUIAPO CHURCH

ITINAAS na sa 700 katao ang kapasidad ng mga deboto na maaring punaaok sa loob ng Simbahan ng Quiapo para makadalo sa misa.

Nabatid na wala nang nakitang deboto na nakatayo sa labas ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo,nitong Biyernes.

Pinapaaok na ng mga ‘hijos de Nazareno’ ang mga deboto kaya wala nang nakatayo sa may Plaza Miranda.


Mahigpit naman na ipinatupad ng mga ‘hijos’ ang physical distancing sa mga upuan pero pinapayagan na ang mga nakatayo para mas marami ang makapagsimba at makapasok sa Simbahan at may markings na nakalagay.

Gayundin,iyon lamang may mga vaccine card ang pinapayagan na makapasok sa loob ng Simbahan.

Nakabukas rin ang mga LED screens sa paligid ng simbahan bilang pagjajanda sa sandaling mapuno na ng tao ang loob. (Jaymel Manuel)


Tags:

You May Also Like

Most Read