Latest News

PHIL-US JOINT BALIKATAN 2024, NATAPOS SA PAGPAPALUBOG NG LUMANG BARKO NG PHILIPPINE NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGING matagumpay ang pagtatapos ng joint Philippine -U.S Balikatan war exercise na winakasan sa pamamagitan ng maritime strike exercise na nagtapos sa pag-target at pagpapasabog sa BRP Lake Caliraya isang lumang oil tanker ng Philippine Navy, bilang bahagi ng Balikatan na nagsimula noong Abril 22 at nagtapos ngayong May 10, 2024.

Ang sangkot sa maritime exercise ay ang ‘seamless integration’ ng air, land and naval assets upang ipakita ang enhanced accuracy, teamwork at advanced capabilities na nahasa sa panahon ng sabayang pagsasanay.

Tampok sa Balikatan ang joint firepower at unparalleled interoperability ng mga magkaka-alyadong bansa na sumali sa taunang pagsasanay na tinapos sa pamamagitan ng matagumpay na joint maritime exercise.

“This remarkable display not only underscores the AFP’s dedication to excellence but also stands as a testament to the military’s commitment to its vision of becoming a world-class armed forces, sources of national pride,” ani Col John Paul F. Salgado Chief, CJIB ng Balikatan.

Sumabak sa pinakahuling pagsasanay para sa AFP ang Philippine Navy BRP Jose Rizal (FF-150) at Philippine Air Force 7th Tactical Fighter Squadron, na gumamit ng FA-50 at Agusta Westland -109.

” Additionally, they utilized SSM-700K C-Star anti-ship missiles and a fast attack interdiction craft armed with Spike missiles, para palubugin ang decommissioned BRP Lake Caliraya,” ani Salgado.

Ang US Armed Forces ay gumamit ng kanilang 13th Fighter Squadron, flying F-16 Fighting Falcons, at iba’t -ibang units gaya ng Royal Australian Air Force No. 2 Squadron, Marine Air Control Squadron-4, 3d Marine Littoral Regiment operating a TPS-80 Ground/Air Task Oriented Radar; Marine Air Control Group 38; 16th Special Operations Squadron, 27th Special Operations Wing, Air Force Special Operations Command, flying the AC-130J Ghostrider at U.S. Navy VP-10 flying the P-8A Poseidon.

“This exercise was about the collective capability of our combined fires networks and increasing interoperability to sense and shoot targets from a variety of Philippine, U.S. and Australian land, sea and air platforms,” pahayag ni U.S. Marine Col. Douglas Krugman, U.S. director, combined coordination center.

Tags:

You May Also Like

Most Read