Ruling ng COA, pinagtibay ng SC

By: JANTZEN ALVIN

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naging desisyon ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa hindi nito pagpapahintulot sa pabababayad ng mahigit sa P2 milyon ng mga opisyal ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa Christmas decorations.


Sa inilabas na resolusyon ng SC , ibinasura nito,ang petition for certiorari na isinumite ni dating Pampanga governor at TIEZA Chief Operating Officer, Mark T. Lapid,at iba pa na.kumuwestiyon sa desisyon ng COA na katigan ang “Notice of Disallowance ” kaugnay sa pagbabayad ng TIEZA sa Kabukiran Garden para sa supply ng Christmas decorations.

Nabatid na noong 2011, pinayagan ng TIEZA ang alokasyon ng P2.5 milyon para sa bayad sa Conceptualization, Supply at Installation ng Materials at Labor para sa 2011 Christmas Decorations and Lightings ng Department of Tourism Building, Club Intramuros, at Environs (Project).at ang kontrata ay direktang ibinigay sa Kabukiran Garden.

Gayunman,hindi ito inaprubahan ng COA audit team dahil sa hindi maipaliwanag na direct contracting.


Ayon sa COA, ang mga opisyal ng Tieza, kasama na si Lapid at Kabuliran Garden ay nagkaroon ng pananagutan sa kanilang ginawang pagbabayad na naging dahilan para magpasaklolo sa SC sina Lapid.

Sa ruling ng SC, binigyan nito ng kahalagahan ang Republic Act No. 9184 (RA 9184), kilala bilang “Government Procurement Reform Act which aims to ensure transparency, competitiveness, efficiency, and accountability in the procurement process”.


“To eliminate any suspicion of favoritism or partiality in the execution of public contracts, as a general rule, the law requires that all government procurement must undergo competitive bidding,” ayon sa SC.

Pinuna pa ng SC ang obserbasyon ng COA na maraming nag-aalok ng kaparehong serbisyo sa bansa na nagpapakita sa kabiguan ng TIEZA na gunawa ng kailangang survey o pag-aaral sa proyekto.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like