Latest News

LALAKI, NAHULOG SA 16TH FLOOR NG CONDO, HINIHINALANG NAGPAKAMATAY

Nagkalasog- lasog ang katawan ng isang lalaki matapos na diumano ay magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-16 na palapag ng Robinson’s Adriatico Residences,Tower 3 sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni PLt.Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na si Christian Stephen Sarmiento y Cruz,nasa hustong edad at nanunuluyan sa Unit 16C ng
Robinson’s Adriatico Residences, Tower 3.

Sa inisyal na ulat ng MPD-HS, naganap ang insidente alas-5:40 ng umaga, nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa itaas ng condominium ang ilang security guard na naka-duty noon.


Isinugod pa ni OIC Security officer Chito Mundin Nopia sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima pero wala na itong buhay nang dumating sa pagamutan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng MPD ang pagkamatay ng biktima.

Dinala ang bangkay nito sa punerarya para sa awtopsiya. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read