UMABOT na kabuaang 3.3M bakuna laban sa COVID-19 ang na-administer sa Maynila hanggang nitong Sabado ng gabi.
Ito ang inanunsyo ni Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng patuloy na panawagan nila ni Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko na magpabakuna na.
Ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan na ay umabot na sa1.7 million habang mahigit 1.6 million naman ang fully vaccinated.
Sinabi ni Moreno na base sa Comelec figure na eligible population para sa bakuna, ang pamahalaang lokal ay matagumpay na naabot ang 162.16 percent habang ang figures naman sa Department of Health, ang lungsod ay nakapagrehistro ng 127.80 percent sa termino ng mga nabigyan na ng bakuna.
Ang total doses na na-administer para sa mga minors ay 275,188 kung saan 131,993 minors na kabilang general population ay fully-vaccinated na.
Ang mga tumanggap naman ng kanilang booster shots ay umabot na sa
463,929, base sa ulat ni Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan, na parehong namumuno sa mass vaccination program ng lungsod.
Ang lungsod, ayon pa kay Moreno ay patuloy na nagpapatupad ng ‘open policy’ na ang ibig sabihim ay maaring magpabakuna ang sinuman na nanininirahan sa labas ng Maynila.
Apat na shopping malls at 11 community sites ang mga itinakdang vaccination sites sa lungsod habang ang vaccination ng minors ay tuloy-tuloy naman sa bagongManila Zoo at Ospital ng Maynila para sa minors na edad lima hanggang 17.
“Para sa lahat, ipakita lamang po ang inyong QR code para sa verification at dalhin lamang po ang inyong updated vaccine ID na maaaring makuha sa http://www.manilacovid19vaccine.ph.,” ani Moreno. (Andres Rapsing)