Latest News

P85.8 MILLION HALAGA NG DROGA, HULI NG PNP-NCRPO

By: Victor Baldemor Ruiz

MAHIGIT sa P85.8 million halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng dalawang araw na anti-narcotics operation ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nasa 12.6 kilograms na shabu at 165 grams marijuana, na itinatayang may street value na aabot sa P85,882,256 ang nakuha sa isinagawang operasyon mula ika-16 hanggang ika-17 ng Mayo.

Base sa accomplishment report ng PNP-NCRPO, ang bulto ng droga ay nasamsam sa inilunsad na 31 magkakahiwalay na anti- drug operations at nagresulta sa pagkaka-aresto sa 51 drug suspects, kung saan sila ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga operasyon ay isinagawa sa limang distrito sa ilalim ng NCRPO: Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), at Eastern Police District (EPD), ani Bgen Nartatez.

Tags:

You May Also Like

Most Read