Latest News

Apat, arestado sa buy bust

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 4, ang apat na kalalakihan sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nakadetine sa MPD -PS 4 ang mga suspek na sina Janice Rey Daque y Serandon,nasa watchlist, 42 at taga . 2152 T. Pinpin St., Brgy. 584, Sampaloc, Maynila; Paul John Velasco, nasa watchlist, din, 29 at taga no. 1407 M. Dela Fuente St., Brgy. 491, Sampaloc;Emmanuel Mendoza y Martinez,nasa Watchlist, 32 at nakatira sa no. 1840 G. Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc; at Dhanne Albert Francisco y Crespo,38 at taga 1840 G. Tuazon St., Sampaloc.

Nabatid na nadakma ang apat,alas-10:30 ng gabi sa may PNR Railroad Track malapit sa panulukan ng G. Tuazon St., Sampaloc.


Isa umanong poseur-buyer ang nakabili ng shabu sa mga suspek sa halagang P500 at nang magkaabutan ay saka inaresto ang mga suspek.

Nasamsam ng mga pulis ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at P509 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags:

You May Also Like

Most Read