Inatasan ni Pangulong Ferdinand President Ferdinand Marcos, Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paigtingin ang kanilang regulatory powers sa “small and large-scale mining”.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), dapat umanong tiyakin na updated ang standards at sumusunod ang mga mining firms sa workers’ safety at health programs.
“Gusto natin ma-legalize ang mga small-scale mining firms kasi madami sa kanila illegal, kaya walang protection ang mga minero. Gusto nating palakasin ang regulatory framework para maka-operate sila ng legal, upang mabigyan ang ating minero ng assistance at protection para sa ligtas nilang pagtatrabaho,” ani Marcos sa ginawang pakikipagpulong sa mga DENR officials sa Malakanyang.
Sinabi rin ni Marcos na dapat itaas ang pangangailangan para sa social protection at seguridad ng.mga manggagawa sa mining industry.
“Ang kawawa diyan ‘yung mga miners. They’re really not… they have no safety. Ang daming namamatay,” giit ni Marcos.
Npag-aalaman na may.mga bills sa small-scale mining ang sesertipikahan bilang urgent ni Marcos,kasama na ang pag-amiyenda sa Republic Act No. 7076 “to incentivize SSM, provide social assistance and labor protection, and provide government assistance programs”.
“I think for now the need is for the regulatory capabilities, especially the small scale,” dagdag pa ni Marcos .
Una nang nagpahayag ang DENR ng commitment para i-review ang mining laws, kasama ang small-scale mining at tiyakin na “up to date” ang standards. (Carl Angelo)