Latest News

EMPLEYADO NG SMARTMATIC NA NASA LIKOD NG ‘SECURITY BREACH’, SINIBAK — COMELEC

TINANGGAL na umano sa trabaho ng Smartmatic ang kanilang empleyado na hinihinalang nasa likod ng iniulat ng Senado na ‘security breach’, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

“I think parang tinanggal na sa trabaho yung taong ‘yun. That’s my understanding,” pahayag ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

Sinabi pa niya na noon pang nakaraang linggo ay iginiit na nila sa Smartmatic na iprisinta ang kanilang panig sa naturang ulat ng ‘leakage’ ng mga importanteng datos ng kanilang tauhan. Tumugon naman ang Smartmatic na pinatawan na nila ng kaukulang ‘disciplinary action’ ang naturang empleyado.


“We told Smartmatic na hindi dapat maulit ito. ‘Wag na ‘wag nang uulitin itong nangyari very unfortunate incident kasi napakaliit na bagay and it created a lot of problems. Dapat di na maulit ito,” dagdag ni Pangarungan.

Iginiit pa ni Pangarungan na wala umanong kinalaman sa darating na halalan sa Mayo 9 ang naganap na ‘data leak’. Pawang mga datos lamang sa internal na organisasyon at kanilang mga aktibidad ang nailabas.

“They assured us that the security of the ballot, the configured SD cards were not compromised by that leakage,” ayon pa sa opisyal.

Sa kabila nito, naghihintay pa rin ang komisyon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente para maging basehan sa susunod na hakbang. (Jaymel Manuel)


Tags:

You May Also Like

Most Read