Latest News

Australian national, na-excite makipagtalik, inatake, patay

PATAY ang isang 60-anyos Australian national na “putol” ang kaliwang hita matapos na atakehin sa “foreplay” bago makipagtalik sa kanyang kinakasama,kamakalawa ng gabi sa tinutuluyang Condominium sa Malate,Maynila.

Ayon kay PSSg Irene Manalili, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naabutang walang saplot pang ibaba ,ang biktimang si Gary Smyth,diborsiyado,tubong Queensland,Australia at nanunuluyan sa Rm 205 Adriatico Suites,Malate,Maynila.

Sa imbestigasyon,naganap umano ang insidente,alas 9:15 ng gabi sa loob ng unit ng biktima.

Ayon kay Richelle Fabilane,partner ng biktima magsisimula na umano silang mag sex nang makaramdam nang paninikip ng dibdib ang biktima.

Iniupo umano ni Fabilane ang biktima sa kama pero nakita niya na lalong lumala ang kondisyon nito kaya tinawag niya ang kaibigan ng kinakasama na si Raymond Clare na nagsagawa ng CPR.

Wala nang buhay ang biktima ng abutan ng mga imbestigador.

Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read