Latest News

NAGHAMON NG AWAY SA KALYE, KALABOSO

SA kulungan ang bagsak ng isang 30-anyos na lalaki nang arestuhin matapos magwala at maghamon ng away sa kalye, sa Andres Bukid, Maynila, Biyernes ng gabi (Hulyo 15).

Ipaghaharap ng reklamong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (Alarms and Scandal) at Revised Ordinance 864 (Concealing Deadly Weapon) sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Carlo Ondiano, vendor at residente ng No. 2525 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat, dakong alas 10:10 ng gabi ng Hulyo 15 nang maganap ang pagwawala ng supek sa Onyx St., Brgy 775 San Andres Bukid, na natiyempuhan ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District-Station 6.

Naagaw ang atensyon ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality operation sa lugar ang malakas na pagsigaw-sigaw ng suspek na na nagmumura at hinahamon ng suntukan ang mga dumaraan.

Agad na nilapitan ng mga pulis at pinagsabihang tumahimik dahil sa ingay na nililikha nito subalit hindi umano nakinig kaya napilitan arestuhin.

Nang kapkapan ay nakuha mula sa beywang ng suspek ang isang stainless na balisong. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read