Latest News

Rape suspect, natunton ng SMaRT sa Cavite

Natunton ng mga operatiba ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team, kamakalawa ng gabi, ang isang akusado sa kasong rape na nagtago sa Ajuy, Iloilo sa Barangay Narra II, Silang ,Cavite.

Sa pangunguna ni PMajor Edward Samonte at tauhan ng Ajuy Munucipal Police Station ay naaresto ang suspek na si Rommel Remigio Bañes,.alyas Rommel Consultado Bañes, 30, ng Blk. 3 Lt. 3, Brgy. Narra II, Silang, Cavite City.

Ang suspek ay naaresto ng mga awtoridad alas-6 ng gabi sa nabanggit na lugar at ito umano ay nasa Top 1 Most Wanted Person ng Ajuy Municipal Police Station.


Nabatid na ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Assisting Judge Jose Mauricio E. Gomez ng RTC Branch 71,ng Barotac Viejo, Iloilo na may petsang Hulyo 17 dahil sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamtalang kalayaan ni Bañes.

Nakadetine ngayon sa SMaRT ang suspek at nakatakdang i-turn over sa RID 6 para.dalhin sa korte. (Jerry S. Tan)


Tags:

You May Also Like

Most Read