Latest News

DOJ, tutulong sa pagsasakdal sa mga taong sangkot sa cyanide fishing sa Scarborough Shoal

By: Jaymel Manuel

Tutulong umano ang Department of Justice (DOJ) sa mga kinauukulang ahensiya sa ginagawa nitong pangangalap ng ebidensiya at pagbuo ng kaso laban sa mga taong nasa likod ng umano’y cyanide fishing sa Scarborough Shoal.

Sa isang pahayag kahapon, tiniyak rin ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Marcos ay hindi kukusintihin ng pamahalaan ang anumang aksiyon na makasasama sa kapaligiran.

Aniya pa, “Under the leadership of President Marcos Jr., the Philippines will not tolerate any actions that harm our environment or deprive Filipino people of their right to its use and beauty.”

Nauna rito, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isinagawang deployment sa Scarborough Shoal ay nadiskubre nilang matinding napinsala ang lagoon, na posible umanong dulot ng cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen, na mariin naman nang pinabulaanan ng mga ito.

Tags:

You May Also Like

Most Read