PORMAL nang manunungkulan ngayon bilang bagong pinuno ng Philippine National Police ang batikang intelligence officer na si Police General Benjamin Acorda miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.
Ito ay matapos siyang hirangin at panumpain ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bilang ika-29 PNP chief sa ginanap na turn over at assumption ceremony kahapon sa Camp Crame sa Quezon City para rendahan ang 220,000 strong police force .
Ang marching order ni PBBM kay Acorda ay paganahin ang systematic approach para makamit ang peace and order sa bansa at ipaglaban ang demokrasya.
“Serve the people with integrity, with accountability, and genuine justice. always be open to public scrutiny and practice restraint and maximum tolerance in the face of harsh criticism,” atas ng Pangulong BBM.
Tiniyak naman ni Acorda na ang kapulisan ay magsisilbing ” vanguards of peace, to ensure a safe and economically stable community” at ang pagsiguro na ang PNP ay magiging “steadfast in providing better police service.”
“We will not rest until every Filipino feels secure in their homes, in their streets, and in their places of work,” aniya.
Kasunod nito , tiniyak ni Acorda na naging spy chief ng PNP-National Capital Region Police Office-Intelligence at hinirang ding pinuno ng PNP Directorate for Intelligence na magpapatuloy ang isinasagawang internal cleansing sa loob ng organisasyon.
“My stand on anti-illegal drugs is clear. No police should be involved in pushing, using or whatever means of illegal drug trade. You will be charged and removed from the service. This is my warning to each and every one,” bant ani Acorda.
Itinalaga si PMajor Gen. Benjamin Acorda Jr., bilang kahalili ni Police General Rodolfo Azurin Jr. na pormal nang nagbitiw sa kanyang pwesto nang sapitin ito ang kanyang mandatory retirement age kung saan naiwan nito ang isyu hinggil sa umano’y tangkang cover-up sa kaso ni dating SSgt Rodolfo Mayo Jr., na nahulihan ng p6.7 Billion halaga ng droga.
Bukod pa sa nabulgar na tangkang pagkupit ng ilang pulis ng 42 kilo ng shabu mula sa 990 kilo na nakumpiska sa ginawang pagsalakay sa isang lending company sa Tondo Manila,
“Rewards and punishment will be quick and decisive, which will be fair and impartial. Due process shall be observed,” ani Acorda.














