Latest News

PANAWAGAN NI CONG. ALVAREZ, WALANG PATUTUNGUHAN – SEC TEODORO

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG kahapon ng Department of National Defense na walang patutunguhan ang panawagan ni Davao del Norte Congressman Bebot Alvarez sa Armed Forces of the Philippines na “withdrawal of support” kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, mananatiling tapat sa kanilang mandato ang kasundaluhan at mananatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang bansa sa ilalim ng pamumuno ng Commander in Chief President Ferdinand R. Marcos, Jr.

“ Any attempt to sway them away from this duty or to patronize them to support a partisan agenda is futile, particularly when this agenda dovetails with a foreign interest contrary to our own national interests. Calls for them to “withdraw support” will not amount to anything but to a possible criminal investigation,” mariing pahayag ni DND Sec Teodoro.


Napag-alaman na marami na ang nagmumungkahing pag-aralan ang mga panawagan at pahayag ni Alvarez para malaman kung may nilabag ba itong batas at kung kinakailangang ipagharap na ng sakdal .

Mismong ang Department of Justice (DOJ) ay nagpahayag na sisiyasatin nila ang panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na isang Marine Reservist sa military na “withdrawal of support’ kay Presidente Ferdinand Marcos, Jr.

“I have ordered an investigation on the statements of Congressman Pantaleon Alvarez to determine whether it has risen to the level of Sedition, Inciting to Sedition or even Rebellion,” ani DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla .

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, si Alvarez ay isang inactive reservist ng Philippine Marines reserve force at nasa Philippine Navy (Marines) na umano kung aalisin siya sa talaan.


“Kung ano po yung policies, rules and regulations of the armed forces will apply to him so we will look into that, kung meron pong something that’s gonna filed against him or anything so we will look at regulations where it will fall into place so we’ll look into, we will defer that to our Jago, sila po ang mas makakapagsabi kung ano po ang, where will that fall into, in terms of our regulations, “ani Col Padilla.

Inihayag naman ni AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad na may mga kahalintulad na ring kaso na gaya nito ang na-delist sa pagiging reservist .

Ani Trinidad, “it happens, marami na tayong ginagawang ganyan sa reserve force on breach of discipline that they have not met the following standards that they requires.”


Tags: Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro

You May Also Like

Most Read