INANUNSIYO ng Supreme Court (SC) na sa.darating na Mayo 2,2022 ang oath-taking ng may 8,241 pumasa sa natapos na bar examination noong Pebrero,2022.
Ayon sa SC Public Information Office ,base sa guidelines ng Office of the Bar Confidant, ang oath taking ay gagawin sa SM Mall of Asia Arena, ala 1 ng hapon.
Nabatid na magiging limitado lamang sa mga mahistrado at opisyal ng SC, mga inductee, examiners, law school deans, at organizers ang dadalo sa panunumpa.
Gayundin,limitado lamang sa isang guest ang kasama ng mga manunumpa at sila ay maaaring manatili sa SMX Convention Center Manila kung saan magkakaroon ng live feed sa pamamagitan ng LED walls. Naka-live din ang seremonya sa opisyal na Youtube page ng SC PIO
Dapat rin na ang mga manunumpa ay fully vaccinated at mag prisinta ng orihinal na vaccination catd o ceetificate at kung hindi pa bakunado o kaya ay partially vaccinated pa lamang, kailangan ng negatibong resulta ng RT-PCR test, na kinuha 48-oras bago ang oath taking. (Jaymel Manuel)














