INUTOS ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ang hepe ng PNP Bangasamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) kamakalawa.
Ito ay matapos na arestuhin ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Bangsamoro police chief Brig. Gen. John Guyguyon matapos na isangkot siya sa kasong estafa.
Una rito, sinilbihan ng PNP-CIDG tracker ng arrest warrants na inilabas ng dalawang Quezon City RTC courts laban kay Bgen Guyguyon para sa hablang syndicated estafa.
Ang mga warrant of arrest ay dahil sa dalawang magkahiwalay na kaso ng syndicated estafa na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 na may petsang Dec. 1, 2022, at QC-RTC Branch 91 na may petsang May 20, 2022.
Mapayapa namang sumama si Guyguyon sa arresting team ng puntahan mismo siya sa PRO-BAR Regional Headquarters sa Camp Gen Salipada Pendatun, Parang Maguindanao.
Epektibo sa Marso 29 ay inutos ni Azurin na alisin na si Guyguyon bilang hepe ng BARMM at pansamantalang isinailalim sa kustodiya ng CIDG Regional Field Unit. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)