Latest News

P6.8M HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BABAE SA CALOOCAN

ISANG kilo ng imported crystal meth (shabu) na nagkakahalaga ng 6,800,000 ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang controlled delivery operation sa Villa Crystal, Barangay Bagumbong nang Miyerkules ng gabi ng Marso 16, 2022.

Ayon kay PDEA Director-General Wilkins Villanueva, isang babaeng claimant ang inaresto ng kanyang mga tauhan nang tangkain nitong kunin ang imported parcel na pinaglagyan ng may isang kilo ng shabu.

Sa ulat na isinumite ni PDEA Region 3 Director Bryan Babang, dinakip nila ang consignee na kinilalang si Charlene Nworisa y Zabala na naninirahan sa Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.


Sinabi pa ni Babang na ang pakete na naglalaman ng shabu ay nakatago sa loob ng mga laruang pigurin .

Napag-alamang nagmula sa Kuala Lampur, Malaysia ang package at dumating sa Port of Clark noong Marso 12, 2022.


Sinasabing kahina-hinala ang bagahe kaya’t agad na napagpasyahan na sumailalim ito sa proseso ng x-ray at field testin, gamit ang Rigaku Progency at natuklasan ang 31 transluscent plastic pouch na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at tumitimbang ng 1,000 grams.

Dito na inilatag ang isasagawang controlled delivery ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Central Luzon, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs Port of Clark, PDEA NCR NDO, at PNP units.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang nasabing lady claimant. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read