Latest News

3 DRUG SUSPECTS, HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU

By: Victor Baldemor Ruiz

TATLONG hinihinalang bigtime drug personalities ang nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang mall sa Bicutan, Taguig.

Partikular na isinagawa ang operasyon sa basement parking ng SM City na nasa Don Bosco, Parañaque City bandang alas- 12:20 kahapon ng tanghali, kung saan sakay ang mga suspect ng kulay itim na kotseng Hyundai Accent w/ plate # AQQ-2908.

Kinilala ang mga nadakip sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA-NCRO katuwang ang Bicutan PNP na sina Guaiani Guiaman Asher, 32, ng Cagayan De Oro St, Maharlika, Taguig City; Guiani Guiaman Ariedz, 29, ng Block 4, Malaki Tababa Cmpd, Balintanawan, Tarlac City at Kudandin Abo Almajid ng Sultan Kudarat St. Maharlika Village;


Nakumpiska mula sa mga suspect ang itinatayang 500 grams ng hinihinalang shabu na naka silid sa anim na knot-tied transparent plastic sachets at may street value na mahigit ?3.4 million.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Tags:

You May Also Like

Most Read