Nagbebenta ng pekeng P1k at P500 bills, 10-taong kulong

By: Anthony Quindoy

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol na 10 taon, walong buwan at isang araw na pagkabilanggo at multang P10,000 na unang inihatol ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) laban sa isang lalaki na naaresto dahil sa pagbebenta ng mga pekeng P1,000 at P500 bills noong 2018 sa Bukidnon,Misamis Oriental.

Sa inilabas na desisyong isinulat ni Associate. Justice Jhosep Lopez ng SC 2nd division, ibinasura nito ang petition for review on certiorari na inihain ni Allan Gacasan na kumuwestiyon sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA) at Regional Trial Court (RTC) na napatunayang guilty si Gacasan sa paglabag sa Article 168 of the Revised Penal Code (RPC).


Batay sa court records, napag-alaman na noong Nobyembre 10,2018 ay nagsagawa ng test-buy operation ang Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa Bukidnon, Misamis Oriental.

Si Gacasan ay inaresto matapos alukan ng pekeng pera ang isang confidential agent ng CIDG na nagpanggap na buyer.

Nasamsam kay Gacasan ang 100 piraso ng pekeng P1,000 at P25 piraso ng P500 bills na kinumpirmang peke ni Atty . Andrew E. Asperin ng Currency Issue and Integrity Office ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Si Gacasan ay na- covict sa krimen na illegal possession at paggamit ng pekeng treasury o bank notes sa ilalim ng Article 168 ng RPC sa RTC at pinagtibay naman ng CA ang hatol.

Kumbinsido naman ang SC hindi na frame-up lamang si Gacasan at walang naganap na pang-aabuso ng kapangyarihan ang mga naunang korte kaya’t pinagtibay ng SC ang desisyon.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read