‘THE FOUR KING AND QUEEN’ TO CHARM ENCHANTED KINGDOM ON MAY 7

By: Beth Gelena

ISANG magical na pagtatanghal ang ihahandog ng Enchanted Kingdom sa Linggo, May 7 dubbed “The Four Kings and a Queen” tampok sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera at Marco Sison at si Concert Queen Pops Fernandez.

Yes, muling magsasama ang Pinoy iconic singers sa isang show sa Enchanted Kingdom.


Makikipagbardagulan si Pops sa apat na mahuhusay na singer.

Hindi raw siya palalamang kina Hajji, Nonoy, Marco at Rey.

“Kahit nag-iisa lang akong babae kaya ko silang tapatan. Kung kaya nilang pasayahin ang mga manonood, aba kaya ko rin,” say ng ever-beautiful na singer.


Siyempre pa kakantahin nila ang mga pinasikat nilang songs noon plus other songs para sa bago at batang audience.

Sa tanong kay Pops kung sanay na siya sa jokes ng apat na icon singers, sagot ng Concert Queen: “Sanay na ako sa kanila at so far, takot sila sa akin kaya hindi nila ako mabiro ng seryoso.”


“Pero okey lang daw na biruin siya ng mga ito dahil mabait sila sa akin at sakto lang ang mga jokes nila,” nakangiting pahayag ng singer.

Natanong din sila kung ano ang kaibahan ng singers noon at ngayon.


Say ni Pops: “Kanya-kanyang style at techniques ngayon ang mga nagsusulputang singer.”

Depende na lang daw kung ano ang gusto ng audience.

Hirit naman ni Hajji: “Okey lang ‘yung mga baguhang singers pero ang gusto pa rin ng iba ay ‘yung mga original na kumanta.”



Say naman ni Marco: “Iba-iba rin nga ang style ngayon, sa performance nagkakatalo. Iba ‘yung narinig mong kumanta kesa kapag nag-perform na sila.”

Hindi man nakarating sina Nonoy Zuniga at Rey Valera sa mediacon ng “The Four Kings & Queen,” siniguro ng producer na darating sila sa concert on May 7 sa Enchanted Kingdom.

Tags: Hajji Alejandro, Marco Sison, Nonoy Zuñiga, Rey Valera

You May Also Like