Latest News

2 drug suspects, timbog sa buy-bust

By: JANTZEN ALVIN

Dalawang drug suspects ang inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ni Pasig City Police chief PCOL Celerino Sacro Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘Dennis,’ 44, at alyas ‘Patric,’ 45, electrician, kapwa residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.


Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Tuazon Compound sa Brgy. Rosario.

Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng tip hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek sanhi upang magsagawa ng operasyon laban sa kanila.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na hanggang pitong gramo at nagkakahalaga ng hanggang P47,600 at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Tags:

You May Also Like

Most Read