Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Pampanga District Office (NBI-PAMDO) ang dalawang indibiduwal, kabilang na ang isang Chinese national ,sa kasong human trafficking sa isinagawang operasyon sa Angeles City.
Kinilala ng NBI-PAMDO,ang mga naarestong suspek na sina Sonh Jin,alyas Sengmin Lim at Lakshmi Nayyar.
Ikinasa ng MBI ang entrapment operation matapos makatanggap ng mga report na ang 247 Premium KTV Bar, na matatagpuan sa Fil-American Friendship Avenue, Angeles City, Pampanga,ay hayagang nag-aalok ng serbisyong sekswal gamit ang kanilang customer care assistants (CCAs).
Ang naturang KTV Bar ay nago-operate bilang prostitution hub kung saan ang.mga babae ay binabayaran ng halagang P6,000 kung class B at P8,000 naman kung Class A.
Nang makumpirma ng NBI-PAMDO ang sumbong ay kaagad itong nakipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office at sa City Prosecutor ng Angeles City, para sa entrapment operation na ginawa noong Oktubre 27,2022.
Nang iabot kay Nayyar ang marked money ay kaagad silang inaresto.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na inamiyendahan sa ilalim ng RA 10364 o Expanded Trafficking in Persons Act of 2012 sa Ageles City Prosecutors Office.














