Latest News

CONDO UNIT NI DOMINIC PAG-AARI NG ‘MALE POLITICIAN’

By: Beth Gelena

SI Dominic Roque umano ang may ‘koneksyon’ sa isang ‘pulitiko.’

Ayon sa isyu, ang may-ari raw ng condo unit ng aktor ay isang ‘pulitiko.’

Kaya pinaiimbestigahan umano ng family ni Bea kung ano ang business ng ‘pulitiko.’

Ang hiwalayang Dom-Bea ay mainit pa ring pinag-uusapan hanggang ngayon sa showbiz.

Maging ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nagbabahagi ng cryptic posts that seemed to be directed at each other’s camp.

Sa recent episode ng YouTube talk show Showbiz Now Na, sinabi ni ‘Nay Cristy Fermin na ayon daw sa kanyang source, ang family umano ni Bea ay iniimbestigahan ang finances ni Dom.

May alegasyong nababahala raw ang pamilya ng aktres kung ano ang business ng ex-boyfriend.

“Ano yung business, yung iba sumagot ‘monkey business,’” say ni ‘Nay Cristy.

Nabanggit din niyang nakatira ang aktor sa isang condominium unit na “pang super-mayaman.”

Maging ang mga ilan sa big stars ay hindi afford na kumuha ng unit sa area na yun.

Napag-alaman daw na ang condo unit ni Dominic ay pag-aari ng “kontrobersyal na pulitiko.”

Kaya raw niya sinabing ‘pulitiko’ dahil isa itong male politician.

Tinanong umano niya sa kanyang source kung bakit ang high-end condo unit ni Dom ay nakalista sa pangalan ng male politician.

Boss daw kasi ni Dom ang ‘pulitiko.’

“Kayo na po ang bahalang humusga sa pulitiko at sa kanyang mga kaibigan,” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.

Tags:

You May Also Like

Most Read