Kaso ng COVID, tataas sa pagbubukas ng klase

NANINIWALA si OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na posibleng lalo pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa pagbubukas ng “face-to-face classes” sa bansa.

Pero nilinaw ni David na hindi niya ipinapanukala na pagbawalan ang mga bata na bumalik sa mga paaralan dahil sa higit dalawang taon na silang nagtitiyaga sa “blended learning” dulot ng pandemya.


“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata,” saan ni David.

Ang mga batang dinadapuan naman umano ng COVID-19 ay karaniwang asymptomatic o may mild na mga sintomas lamang.

Nakatakdang magbukas ang mga pampublikong paaralan sa darating na Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7 sa 2023, habang ang ibang mga pribadong paaralan ay nagbukas na ngunit nasa “online” lamang muna.


Nanawagan naman si David ng paglalagay ng mahigpit na protocols sa mga paaralan tulad ng “air ventilation” sa mga silid-aralan at pagsasagawa ng “physical distancing”. Dapat rin na bakunado na ang mga guro at iba pang empleyado ng mga paaralan. (Philip Reyes)


Tags: OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

You May Also Like