Latest News

DOH, nakapagtala pa ng 56 bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants sa Pinas

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes na may 56 pang bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants ang naitala sa bansa.

Batay sa pinakahuling biosurveillance report ng DOH, nabatid na 28 sa mga ito ang klasipikado bilang BA.2.3.20; 16 ang XBB; dalawa ang BQ.1 at dalawa ang XBC, habang walo naman ang ‘other omicron sublineages.’

Ayon sa DOH, ang 28 kaso ng BA.2.3.20 ay nadiskubre mula sa Regions 1, 3, 4A, 4B, 5, 6, 12, at National Capital Region (NCR).


Sa karagdagan namang 16 na XBB cases, isa ang returning overseas Filipino at 15 ang local cases mula sa Regions 3, 4A, 6, 12, Caraga, at NCR.

Samantala, ang dalawang karagdagang BQ.1 cases ay mula naman sa Region 6 at NCR habang ang dalawang natukoy na XBC cases ay mula naman sa Region 11.

Anang DOH, sa ngayon ang BA.5 pa rin ang nananatiling dominant strain ng virus sa Pilipinas, sa bilang na 12,721 kaso.

Nabatid na ang naturang resulta ng mga sinuring samples, na iprinoseso ng Southern Philippines Medical Center at University of the Philippines-Philippine Genome Center mula Pebrero 13-17, ay inilabas nito lamang Martes. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read