Latest News

UMUWI PARA BUMOTO… LIMA PATAY, 14 PA SUGATAN

HINDI na nakaboto pa ang limang katao nang abutan sila ng dagliang kamatayan bago pa ang National and Local election na kanilang pakay sa pag-uwi, nang sumalpok sa poste ang sinasakyang van na ikinasugat ng 14 na iba pa sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ni Bicol PNP chief information officer Police Major Malou Calubaquib ang mga nasawi na sina Ryan Desuacedo, 25-anyos; Jedro Polo, 24; Gabby Duhapa, 21, at dalawang taong hindi pa napapangalanan.

Nagtamo naman ng mga sugat sa kanilang katawan ang 14 na iba pa kabilang na ang dalawang menor de edad.


Ayon kay P/Maj. Ryan Remando, hepe ng Ragay Municipal Police Station, galing pa sa Balintawak, Quezon City ang mga biktima at uuwi sana sa Irosin, Sorsogon para bumoto sa darating na May 9, 2022 election.

Ngunit sa kasamaang palad, pagdating sa bahagi ng Andaya Highway, Barangay Port Junction Norte sa bayan ng Ragay, nang pumutok ang kanang gulong ng sasakyan bago ito tuluyang sumalpok sa poste ng isang internet provider

Sinabi pa ni Remando, mabilis umano ang patakbo ng driver ng van na nagngangalang Reyno Polo, 47-anyos, kung kaya tila nayuping lata ang sasakyan nang sumalpok ito sa poste na naging dahilan ng biglaang kamatayan at pagkasugat ng mga biktima.

Ayon pa sa imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na magpipinsan ang mga biktima. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read