Latest News

Si Mayor Honey Lacuna kasama sina (kaliwa) social welfare chief Re Fugoso at barangay chair Evelyn de Guzman (kaliwa ng alkalde) habang personal na namamahagi ng financial assistance sa mga biktima ng sunog sa lungsod. (JERRY S. TAN)

TULONG PINANSIYAL SA MGA BIKTIMA NG SIYAM NA SUNOG, IPINAMAHAGI SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga naganap na sunog kamakailan sa lungsod, kung saan karamihan sa biktima nito ay nawalan ng tahanan ngayong Kapaskuhan.

Dahil dito ay nanawagan ang alkalde sa mga residente na umiwas sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog tulad ng nakasinding kandila at maging ng mga gadgets na naka-charge at pagkatapos ay iniiwan

Inihayag ni Lacuna ang apela matapos na pangunahan ang pamamahagi ng financial assistance sa mga nasabing biktima, bilang paraan ng kanyang pagpapakita ng tulong at suporta para sila ay makapagsimulang muli.


Batay sa ulat ni Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso, sinabi ni Lacuna na may kabuuang siyam na sunog ang naganap sa Maynila mula November 10 hanggang December 13, 2023.

Ang alkalde ay inasistihan nina Fugoso at Vice Mayor Yul Servo Nieto, sa pamimigay ng P10,000 sa bawat Isang pamilyang nawalan ng tirahan. kung saan P3,000 naman ay ipinagkaloob sa mga unattached individuals.


May kabuuang 636 pamilya at walong unattached individuals ang nabigyan ng nasabing tulong mula sa pamahalaang-lokal ng lungsod.

Nabatid kay Fugoso na maliban sa cash aid, ang mga na-displace na pamilya ay binigyan din ng ‘hot meals at basic necessities’ tulad ng hygiene kits at banig.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read