Latest News

KARAMBOLA SA DINALUPIHAN:TATLO PATAY, 26 SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

DINALUPIHAN, Bataan – DEAD -on -the- spot ang tatlong katao, habang umabot naman sa 26 ang sugatan matapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at lima pang sasakyan sa Jose Abad Santos Avenue sa Dinalupihan, Bataan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bataan PNP, isang 25-anyos na babae at dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi sa insidente, base sa inisyal na imbestigasyon ng Dinalupihan Municipal Police Station.

Nasa 26 ang reported injured, ayon naman sa ulat ng isang pagamutan sa Olongapo City kung saan dinala ang mga sugatan.


Sa inisyal na pagsisiyasat, lumitaw na tinatahak ng pampasaherong bus mula San Fernando, Pampanga ang kahabaan ng national highway papuntang Olongapo City nang mawalan umano ito ng preno at tuluyang hindi na nakontrol ng driver ang kanyang minamanehong bus.

Dito na sumalpok ang bus sa isang van, isang motorsiklo at dalawang tricycle, hanggang sa makasalpukan nito ang pampasaherong jeep na nasa kabilang linya.

Ayon sa isa sa mga rumesponde mula Barangay Bangal, accident-prone ang lugar dahil pababa ito.

“Bago sila nag salpukan ng jeep na ito na nakahilata, nakahagip muna ng isang motorista, itong single na motor. Kitang-kita doon sa gilid at nakahagip din ng 2 tricycle. Bago siya umabot dito at nagsalpukan, doon na nasadsad ng ating bus,” pahayag ng isang testigo.


Sinabi ng 54-anyos bus driver na nawalan siya ng preno at nag-overtake sa isang trak. Hindi umano siya nakatulog o nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at nanggaling pa umano siya sa Cabanatuan noong hapon.

“Accident-prone talaga itong ating lugar,” anang barangay tanod na kabilang sa rumesponde.

Inihayag ng pulisya na mahaharap ang bus driver sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and damage to properties.


Tags:

You May Also Like

Most Read