Latest News

MGA BARIL NI PASTOR QUIBOLOY ISINUKO NG MGA TAGA SUPORTA

By: Victor Baldemor Ruiz

ISINUKO ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang limang baril na pag aari umano ng self-proclaimed appointed son of God Davao PNP .

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang ginawang pagsasalong ng mga baril ni Pastor Quiboloy kasabay ng pahayag na inihahanda na rin nila ang mga susunod na pagsuko ng mga matataas na kalibre ng baril sa Police Regional Office 11 .

Magugunitang binigyan ng PNP ng anim na buwan si Pastor Quiboloy para i-surrender ang kanyang 19 assorted firearms matapos na kanselahin ng pambansang pulis ang kanyang Licence To Own and Possess Firearms (LTOPF) at iba pang mga dokumento kaugnay sa mga napabalitang high powered firearms nito na nagkakahalaga ng milyon milyong piso.

Ayon PNP Chief Gen. Francisco Marbil sa pamamagitan ng nagpakilalang kinatawan ni Quiboloy ay isinuko sang limang baril sa PNP Regional Civil Security Unit of PRO-11 kahapon ng umaga.

“‘Yung 14 [firearms] po, I believe, sabi nila they will surrender,” ani Gen Marbil sa isang panayam.

Si Quiboloy na nagsasabing siya ay anointed son of god ay nahaharap sa kasong sexual abuse at child abuse sa Davao City Regional Trial Court, kaugnay pa sa qualified human trafficking case na diringin sa Pasig City Regional Trial Court.

Tags:

You May Also Like

Most Read