Latest News

EPEKTIBONG SOLUSYON SA WAGE GAPS, IMINUNGKAHI NI REP. JOEL CHUA

By: Jerry S. Tan

Maganda ang iminumungkahi ni Manila third district Representative Joel Chua na solusyon sa tinatawag na ‘wage gap’ sa ating bansa.

Pinuna niya na napakarami umanong wage boards sa ating bansa na umaabot ito sa kabuuang 17 lahat-lahat.

Sa ibang rehiyon aniya, ay may iba;t-ibang layers ng minimum wage rates, hindi lamang isa.


Lahat ng ito ay ginagawang higit na komplikado ang pamamaraan ng pagbibigay ng sahod o ‘wage system’ at ito ay kumokontra sa mga prinsipyo ng ‘Ease of Doing Business Law’.

Sabi ni Congressman Chua, kailangan na ring palitan ang regional wage board.

Ipinunto niya na makalumang pananaw na ito at aniya, ‘kaisipang pang-1950s pa ito at may katwiran naman siya.

Marami nang progreso ang nangyari sa ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon.


Sa kanyang mungkahi, binigyang-diin ni Rep. Chua na ang mas naaakmang pamamaraan sa panahon ngayon ay ang ‘clustering’ o paggrupo-grupo ng mga wage board.

Ibig sabihin, pagsama-samahin ang pare-pareho.

Ang mga rehiyon na may higit-kumulang na parehong antas ng minimum wage level ay dapat na pagsamahin sa iisang grupo.

“Simplifying the national minimum wage structure into just six tiers instead of the many we have now all over the country will make the system easier to administer, regulate, and enforce,” paliwanag pa ni Rep. Chua.


Sa ganitong paraan nga naman ay inaasahang liliit ang ‘wage gaps at poverty gaps’ sa pagitan ng mayayaman at mahihrap na rehiyon.

Sa kanya umanong pag-aaral ng mga minimum wage levels ng mga rehiyon, nakita ni Congessman Chua na dapat nang baguhin sa pamamagitan ng isang bagong minimum wage law ang paraan ng pagtatakda ng minimum wage.

Hindi na dapat by region. ‘By clusters of regions’ na dapat.

At sana, ani Chua, balang araw ay wala na dapat minimum wage na mababa sa ‘poverty threshold’.

Iminumungkahi din niyang alisin na ang’range at ang distinctions between different localities and types of jobs.’ at ‘one minimum wage rate’ lang dapat kada cluster ng mga rehiyon.

“Kaya ang different regional minimum wages, maging six clusters na lang sana at sa loob ng bawat cluster, one rate lang sana dapat. Merger dapat ng regional wage boards into clusters ang mangyari,” pagbibigay-diin pa ni Congressman Chua.

Sa ilalim ay makikita ang kasalukuyang 2024 minimum wage rates and ranges at katabi nito ang mungkahing ‘clustering solution ni Rep. Chua:

CLUSTER 1- NCR: P573.00 – P610.00; Calabarzon: P385.00 – P520.00; Central Luzon: P385.00 – P500.

CLUSTER 2- Region 1: P402.00 – P435.00; Region 2: P430.00 – P450.00 (come April) at CAR: P430.00.

CLUSTER 3- Western Visayas: P440.00 to P480.00; Central Visayas: P415.00 to P468.00

CLUSTER 4- Northern Min (R10): P411.00 – P438; Davao Region (R11) P476.00 – P481.00 (by September 2024)

CLUSTER 5- BICOL: P395.00; MIMAROPA: P369.00 – P395.00 at EASTERN VISAYAS: P375.00 – P405.00

CLUSTER 6- BARMM: P316.00 – P361.00; ZAMBOANGA: P368.00 – P381.00; CARAGA: P385.00 at Region 12: P382.00 – P403.

Si Congressman Chua ay isang abogado at urban poor and sports advocate.Siya ay miyembro ng House Committee on Poverty Alleviation at ng House Committee on Labor and Employment.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read