XIAN MAY IPINALIT NA KAY KIM

By: Beth Gelena

ANG daming nag-react sa umano’y larawan ni Xian Lim at ang bago raw nitong girlfriend.
May nag-post kasi ng larawan ng aktor na may kasamang girl.
Kalat ngayon sa social media ang nasabing larawan nina Xian at ang babaeng ipinalit niya sa ex-girlfriend na si Kim Chiu.
Pero ang netizens ay nagdadalawang-isip dahil ang larawang naka-post  ay hindi masyadong klaro dahil malabo ang kuha.
Last December lang nang tuldukan na ni Kim ang kanyang 12 years na relasyon with  Xian.
Napagod na rin sigurong itago ni Chinita Princess ang sinasabing hiwalay na sila ng aktor kaya ipinost na niya sa kanyang IG Stories ang katotohanan bago sumapit ang Pasko.
“The end of a love story. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough,” maramdaming post ni Kim.
Hindi na rin nakaiwas ang actor kaya kinumpirma nga niyang hiwalay na sila ni Kim.
Hindi naman nila tinukoy kung ano ang tunay na dahan ng kanilang paghihiwalay.
At kamakailan nga,  kumalat ang larawan ni Xian na may kasamang babae.
A couple of snaps were posted as proof, kaya nga lang ay  blurred ang photos.
Tags: Xian Lim

You May Also Like

Most Read