Fake news, inalmahan ni Herbosa

By: Jaymel Manuel

Nagbanta si Health Secretary Teodoro Herbosa na sasampahan niya ng demanda ang mga indibiduwal na gumagamit ng kanyang larawan sa social media at nagpu-promote ng produkto laban sa diabetes.

Ani Herbosa, kakasuhan niya ang nasa likod ng naturang fake news kapag hindi ito inalis sa social media.


Nilinaw niya na walang scenario o pahayag ang DOH at UP-PGH kaugnay sa promosyon ng anumang uri ng gamot o produkto na makakapag- alis ng diabetes.

“Further , the department reminds everyone that non-communicable diseases and comorbidities such as diabetes can be prevented by practicing healthy habits such as proper diet and exercise among others, “ayon sa DOH.

Maari umanong kumuha ang publiko ng impormasyon sa lehitimong facebook o website ng DOH lamang.


Tags: Health Secretary Teodoro Herbosa

You May Also Like

Most Read