Pagtatatag ng specialty centers sa lahat ng government regional hospitals, batas na

By: MARK ALFONSO

PIRMADO na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bagong batas na magtatatag ng Specialty Centers sa lahat ng regional hospitals ng Department of Health (DOH) at ng Government-owned or Controlled Corporations.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act, inoobliga ang DOH na maglagay ng specialty centers sa mga ospital sa bawat rehiyon sa buong bansa.


Layunin ng bagong batas na masiguro na accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Bukod sa DOH hospitals sakop din ng batas ang government owned and controlled corporations specialty hospitals.



Target naman na maseebisyuhan ng itatatag na specialty centers ang mga may sakit na cancer, sakit sa puso, baga, bato , renal care at kidney transplant; brain at spine care, trauma care at burn care.

Gayundin ang orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease at tropical medicine, toxicology, menatl health, gariatric care, neonatal care, dermatology,eye care at ear, nose and throat care.


Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi niya matitiis na makitang may mga Filipinong nagdurusa sa sakit dahil walang mapuntahang pagamutan.

Giit ng pangulo na hindi naman pribilehiyo ang health care kundi karapatan ng bawat mamamayan na dapat natutugunan ng pamahalaan.

Tags: Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

You May Also Like