Latest News

African national, dinakip ng NBI sa P20M shabu

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs ang isangg African national nang makumpiska sa kanya ang may tatlong kilo ng shabu na nakasilid sa mga water filter tubes at may street value na P20 milyon, kamakalawa ng hapon sa isang resort sa Las Piñas City.

Natukoy ang shabu ng isang sniffing dog ng NBI , na nakalagay sa isang kulay gray na maleta na pag-aari ng suspek na di pa kilala matapos na.mabigo ang NBI na makakuha ng anumang dokumento ng kanyang pagkakilanlan.

Tumanggi ang suspek na.magsalita pero sinabi niya na isa siyang African national.


Sinabi ni NBI-TFAID agent Henry Kanapi na ginamit ng dayuhan ang water purifiers para itago ang dalang shabu.

Bukod sa iligal na droga ,nakakuha rin ng P160,000 cash sa suspek ang mga ahente ng NBI.

Napag-alaman kay Kanapi na may tatlong buwan nang minamanmanan ng NBI ang nasabing foreign national.

Inaalam pa ng NBI ang pagkakilanlan ng suspek at kung saan nanggagaling ang mga shabu na dala nito.


Kasabay nito, sinabi ni Kanapi na nakakaalarma ang pagkakasangkot ng mga dayuhan sa iligal na droga. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read