Latest News

4 buwang gulang na baby, todas

PALAISIPAN pa kung ano ang ikinamatay ng isang 4 na buwang gulang na baby na huling nakitang buhay nang uminom ng “infant milk”, kahapon ng umaga sa Tondo,Maynila.

Idineklarang dead on arrival (doa) sa Ospital ng Tondo,ang biktimang si King Courtney Cañedo,taga 1301 Torres Bugallon St.Tondo,Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCpl Arvin Bautista,ng Manila Police District-homicide section,huling nakitang buhay ang sanggol,alas 4 ng madaling araw matapos nitong “dumede” ng infant milk.

Gayunman,alas 7 ng umaga nang magising ang ama ng sanggol na si Francis pero hindi na ito kumikilos kaya kaagad na dinala sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Wala naman nakitang anumang sugat sa katawan ang bata.

Dinala sa funeral parlor ang biktima para sa awtopsiya uoang matukoy kung ano ang ikinamatay ng sanggol. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read