Inihayag ni City of San Jose Del Monte Police chief Col Rannie Lumactod ang pagkakadakip ng isang city level most wanted person sa isinagawang joint law enforcement operation.
Kinilala ni Col Lumactod ang nadakip na si Elmer Santos y Silvoza , 51 anyos, may asawa at tubong Manila na kasalukuyang naninirahan sa Blk 9, Lot 3, Tower Grotto, Brgy. Graceville, CSJDM, Bulacan.
Si Santos ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong qualified statutory rape, qualified Rape at Sexual assault in relation to R.A 7610, Tag as Additional .
Matapos ang intelligence build ng mga tauhan ni Col Lumactod inilatag ang gagawing law enforcement operation sa Brgy. Gaya Gaya, CSJDM, Walang inerekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














