Bagong OIC, itinalaga sa Port of Subic

PANSAMANTALANG mauupo bilang acting District Collector ng Port Of Subic si Atty. Willie Sarmiento na namumuno sa Law Division ng naturang pantalan makaraang sibakin sa puwesto ang anim na mataas na opisyal nito dahil sa isyu ng ‘sugar smuggling’.

Kinumpirma ito ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kasunod nang pagtanggal sa puwesto sa 6 na opisyal ng Port of Subic sa pangunguna ng District Collector na si Maritess Martin.


Nilinaw naman ni Ruiz na pansamantala lamang ang pagkakatanggal sa anim habang sumasailalim sila sa imbestigasyon sa umanoy tangkang pagpapalusot ng 7,000 metriko toneladang asukal mula Thailand

Kabilang sa mga inalis sa Port of Subic ay sina Deputy Collector for Assessment Maita Acevedo, Deputy Collector for Operations Giovanni Leynes, Assessment Division Chief Belinda Lim, ESS District Commander Vincent Mark Malasmas at CIIS Supervisor Justin Roman Geli

Tumanggi naman nang magbigay ng anumang pahayag si Comm Ruiz hanggang hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon. Iginiit niya na isang ‘standard operating procedure (SOP)’ ang pagtanggal sa mga opisyal habang may nagaganap na imbestigasyon. (Jaymel Manuel)


Tags: District Collector ng Port Of Subic si Atty. Willie Sarmiento

You May Also Like