Latest News

86-ANYOS NA CHINAY, PATAY SA SUNOG SA ERMITA

By: Baby Cuevas

Isang 86-anyos na babaeng Chinese national ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang anak sa naganap na sunog dahil sa umano’y nag-overheat na charger at tablet, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni PCpl Angelo Bado ng Manila Police District -Police Station 5 ang biktima na si Chiu Deng Kangbakale at ang nito na si Peter Kho Kangbakale, 49 .

Ayon sa ulat ng MPD-PS5, nagsimula ang sunog alas-9:30 ng umaga sa isang residential building sa likod ng hotel na pag-aari ng pamilya ng biktima na matatagpuan sa pagitan ng Alhambra at Guerrero Streets malapit sa Plaza Ferguson.


Napag-alamang hindi na nailigtas ng kanyang anak ang biktima na ‘bedridden’ matapos na mawalan ng malay nang makalanghap ng usok.

Idineklarang fire under control ang sunog alas -10:38 ng umaga.

Tags:

You May Also Like

Most Read