Latest News

MGA BANGKAY NG PINOY SEAFARERS SA HOUTHI ATTACK, DI PA NAKUKUHA

By: Philip Reyes

NASA loob pa rin nasunog na barko ang mga labi ng dalawang seafarer na nasawi sa missile attack ng Houthi Rebels sa Red Sea at Gulf of Aden.

Kinumpirma ito kahapon ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac, na nagsabing hindi pa rin nare-recover ng mga awtoridad ang bangkay ng mga biktima mula sa loob ng barkong ‘True Confidence.’
Ani Cacdac, ang missile ay tumama sa fuel section ng barko, na nagresulta sa malaking sunog sa bahagi kung saan naroroon ang mga biktima at dahil dito, nang magkaroon ng emergency evacuation ay hindi na nabalikan pa ang mga bangkay nila.

Samantala ay tiniyak naman ni Cacdac na magsasagawa ang mga kinauukulan ng salvaging operation upang marekober ang mga labi ng mga biktima at gayundin na lahat ng 10 tripulanteng Pinoy na sakay ng barko ay nasa ligtas nang kalagayan.


Napag-alaman na ang tatlong nasugatan naman ay nasa pagamutan sa Djibouti City at nasa stable ng kondisyon matapos lapatan ng lunas.

Tags: Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac

You May Also Like

Most Read