Latest News

Taxi driver na inakusahang gumahasa ng’ transgender woman’, dumepensa sa NBI

By: Carl Angelo

Sumuko sa National Bureau of Investigation-Anti-organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang taxi driver para pabulaanan ang alegasyon na ginahasa niya ang isang ‘transgender woman’ noong Hunyo, 2022.

Ipinaliwanag ni alyas ‘Jo’ na may pagsang-ayon ng biktima ang nangyari sa kanilang dalawa at walang katotohanan na pinagsamantalahan niya ang nasabing transgender.

Sinabi pa ni ‘Jo’ na pinara umano siya ng biktima at habang nakasakay ito sa kanyang taxi ay nagkasundo sila na magtalik at babayaran siya ng biktima.


Hindi na umano niya ito nakausap dahil tulog na tulog na ito kaya kinuha na lamang niya ang kanyang kabayaran na pera.

Gayunman, sa reklamo ng biktima, pinara niya ang taxi driver at nagpahatid sa Caloocan.

Dahil siya ay lasing, sa halip na ihatid siya sa Caloocan ay dinala siya nito sa isang motel dakong alas-5 ng umaga at makalipas ang isang oras ay umalis na ang driver.

Nagising umano ang biktima alas- 2 ng hapon at nang tingnan niya ang kanyang bag ay wala na ang kanyang pera kaya humingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan para makapagbayad at makalabas ng motel.


Tags:

You May Also Like

Most Read