Latest News

US PENTAGON, TINAWAGAN SI DEFENSE SEC GALVEZ SA LASER-POINTING INCIDENT

TUMAWAG kahapon ng umaga ang United State Pentagon sa Department of National Defense para ipahayag ang pagsuporta ng U.S sa Pilipinas kaugnay sa military grade laser pointing incident sa West Philippine Sea.

Tiniyak ito ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon kay DND Officer-in-Charge Secretary Carlito Galvez Jr.

Kinumpirma ng U.S Embassy sa Maynila na Pentagon-initiated ang telephone conversation sa pagitan ni US DOD Sec. Austin at Defense Secretary Galvez na tumitiyak na suportado ng Estados Unidos ang Pilipinas hinggil sa mga legal na karapatan at operasyon nito sa West Philippine Sea.


Base pa sa readout na ibinahagi ni Pentagon Press Secretary Brig. Gen. Pat Ryder hinggil sa naging pag-uusap ng dalawang defense Secretary: “Kabilang ditto ang karapatan ng Pilipinas sa bisinidad ng Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal na kinilala ng 2016 Arbitral Ruling bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.”

Ang pagtiyak ng Estados Unidos ay kasunod na rin ng insidente noong Pebrero 6 kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military-grade laser ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Vessel BRP Malapascua na legal na nago-operate sa Ayungin Shoal.

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, muling binigyang-diin ni Sec. Austin na saklaw ng Mutual Defense Treaty ang anumang armadong pag-atake sa Philippine armed forces, aircraft at public vessels, kabilang ang Coast Guard, saan man sa West Philippine Sea.

Pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang pagpapatuloy ng pinagsanib na maritime activities sa West Philippine Sea at ang commitment ng Estados Unidos na palakasin pa ang Armed Forces of the Philippines.


Samantala, naniniwala rin si Sec./Galvez na malaki na ang ibinaba ng terorismo sa bansa dahil din sa malaking tulong na naiambag ng Australian government.

Kaya sinamantala ni Galvez na muling pasalamatan ang Australia kasabay sa pagbisita sa bansa ni Australian Deputy Prime Minister Richard Marles.

Ang defense departments ng Pilipinas at Australia ay sumang-ayon na magkaroon ng dagdag pang kooperasyon at pagtutulungan kabilang ang joint patrols sa Indo-Pacific region. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: US Defense Secretary Lloyd Austin III

You May Also Like

Most Read