Latest News

P220 milyong imported na asukal, nasabat sa raid

SINALAKAY ng mga tauhan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang mga bodega sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa tinatayang P220 milyong halaga ng imported na asukal.

Katuwang ng BOC sa mga operasyon ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, at mga kinatawan ng Department of Trade and Industry, Sugar Regulatory Administration (SRA), at Department of Agriculture.

Unang sinalakay ng mga ahente ng pamahalaan ang New San Fernando Pblic Market sa San Fernando, Pampanga at isang bodega sa Kaypian Road, sa San Jose del Monte, Bulacan.


Nadiskubre sa naturang mga bodega ang nasa 44,000 sako ng imported na asukal na nagkakahalaga ng P220 milyon.

Isang Victor Teng Chua, ang itinuturong may-ari ng bodega sa Bulacan ang inimbita sa San Jose del Monte Police Station para sa imbestigasyon makaraang mabatid na wala siyang SRA permit.

Biniberepika rin kung sangkot si Chua sa ‘large scale sugar hoarding’ lalo na at nagkakaroon ng kakapusan sa suplay ng asukal sa bansa. (Jaymel Manuel)


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read